I SEE A MONSTER CHAPTER 32 WALANG sinayang na sandali sina Donnington at Aro. Matapos ang kanilang pag- uusap at ibigay ni Donnington ang kanyang mga tagubilin at basbas sa lahat. Sina Aro at Valerie ay pinangunahan na ang kani- kanilang pangkat upang magtungo na sa mundo ng mga tao. Ibayong pag- iingat ang tanging paulit- ulit na sinasambit ni Donnington sa mga ito. Nangako naman silang mag- iingat sila palagi anuman ang kanilang mga gagawin na hakbang sa mundo ng mga mortal. Ilang saglit pa ay iniluwal sila ng mahiwagang liwanag at pagmulat nila ay nasa pusod sila ng kagubatan. Madilim na ang paligid indikasyon lamang na gabi na sa mundo ng mga tao. Masaya namang napalinga- linga si Valerie sa buong paligid. "Is this their land?" tanong ng dalaga. Habang namamanghang nakatingin sa k