I SEE A MONSTER CHAPTER 66 MARAHANG lumapit si Donnington sa kinaroroonan nina Yayoh. Narinig niya ang mga ilang pag- uusap ng mga ito. Tinanguan niya ang mag- asawa maging si Arabelle. Tahimik itong naupo sa tabi ni Arabelle. Napatikhim naman si Arabelle pero hind niya tiningnan si Donnington. "Huli na ba ako?" basag ni Donnington sa nagaganap na katahimikan. "Ano pong ginagawa niyo rito ama?" tanong naman ni Arkanius. "Hindi mo pa pala alam anak, imbitado ako ngayon. Saka, kasama rin ako sa anumang inyong pinag- uusapan." Sagot ni Donnington. Hindi nagsalita si Arkanius. Pinaglipat- lipat niya ang kanyang paningin kina Arabelle at sa kanyang ama. Napapansin niyang parang hindi komportable sa isa't' isa ang mga ito. Muling tumikhim si Donnington at tiningnan si Yayoh. "Labag si Ark