I SEE A MONSTER CHAPTER 67 MABILIS silang nakarating sa lungsod. Pagkakita ng mga tao kay Arkanius at Ameityst ay nagalak ang mga ito. Lalo na ang mga taong natulungan ni Arkanius habang may kaguluhan. Walang humpay na pasasalamat ang kanilang binibigkas para sa binata. Maluha- luha naman ang binata dahil sa kanyang kagalakan. Pinuntahan din nila ang bayan kung saan nasawi si Abegail. Ikinuwento ni Arkanius ang mga nangyari sa dalaga bago ito bawian ng kanyang buhay. Nalungkot naman si Ameityst subalit wala siyang naaalla kahit na konting ala- ala man lang. Masaya naman si Arabelle na malungkot hanggang sa napagpasyahan na ni Yayoh na kailangan na nilang bumalik sa kanilang mundo. Muling sumama si Arabelle sa kanilang pagbabalik sa kanilang bahay- bakasyunan. Inihatid ni Arabelle sin