I SEE A MONSTER CHAPTER 68 NANG magmulat si Ameityst ay nasa loob na siya nang Mansiyon. Bumalikwas siya nang maalala ang kaguluhang nagaganap. Agad itong bumaba ng kanyang kama nang maalala niya si Arkanius na sugatan at kaawa- awa kanina. Dire- diretso siyang lumabas ng silid kahit nahihilo pa ito. Gumegeywang pa siya sabay sapo sa kanyang ulo. "Bakit ka lumabas?" tarantang tanong ni Arkanius nang makasalubong niya ang dalaga. Natigila ang dalaga at tinitigan ang mukha ni Arkanius. Kumurap- kurap pa ito at kinusot ang sariling mga mata. Tila hindi ito makapaniwala na walang sugat ang binata sa kanyang harapan. Nang masigurong tunay nga ang binata sa kanyang harapan ay kaagad niya itong niyakap. "Akala ko kung napaano ka na. Okay ka lang ba ha?" tarantang sabi ng dalaga. Ngumiti s