I SEE A MONSTER CHAPTER 61 MATAGAL NA nagyakapan ang mag- ina at nag- iyakan. Pati si haring Yayoh ay naiyak din dahil sa labis na kasiyahan. Ngayon ay masasabi nang ganap na hari ito dahil nahanap na niya ang kanyang anak na matagal ding nawala. Pansamantala munang umalis si Arkanius upang mabigyan niya nag sapat na oras at panahon ang mga ito. Alam niyang matagal ding panahon na sila ay nagkawalay. Kung kaya't sabik na sabik ang mga ito sa isa't- isa. Bago tuluyang umalis sa Kastilyo ang binata ay masaya niyang muling nilingon si Ameityst na nakayakap pa rin sa ina nito. Nang mapatingin ito sa kanya ay kumaway ang binata at sumenyas na babalik siya. Marahan namang tumango ang dalaga at nakangiting inihatid niya nang tanaw ang binatang papalayo na. Pinaupo naman ni Farrah ang dalaga ma