I SEE A MONSTER CHAPTER 62 MARAMI pang ibinulgar ni Donnington sa kanyang anak. Ang mga totoong nangyari noon at sa kasalukuyan. Sinamantala na niyang sabihin ang lahat- lahat habang handang makinig ang kanyang anak. "Ngayon alam mo na ang buong katotohanan Arkanius, may galit ka pa rin ba sa akin?" tanong nito. Matagal bago nakasagot ang binata. Bumuntonghininga pa ito saka tumingin sa kanyang ama. "Hindi niyo maiaalis sa akin ang magalit at magtampo ama. Kahit sino ay magagalit at magtatampo sa inyong ginawa. What if, tao nga si Abegail? Would you still stop me for loving her?" sagot ng binata. Tumingin naman sa malayo si Donnington. "An Alpha can determined who is his Luna. Alam kong hindi ka iibig sa isang mortal. At alam kong tadhana ang nagtagpo sa inyong dalawa upang matulduk