I SEE A MONSTER CHAPTER 63 MARAHANG naupo si Arkanius sa tabi ni Ameityst. Nakangiti itong tinanaw ang kabuuan ng buong Kaharian. "Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang kanyang ugali noong tao pa siya?" tanong ng binata. "Oo! Kung hindi mo mamasamain," tugon ng dalaga. Humugot nang malalim na hininga si Arkanius. "Isa siyang matapang na babae, palaban at hindi iyakin. Magaling siyang magdala ng kanyang damdamin. Matigas siya sa iba pero sa akin hindi. Kapag magkasama kami ibang- iba siya sa unang tingin. Masayahin siya sa totoo lang, kabaligtaran kapag iba ang kanyang kaharap." Saad ng binata. Alanganing ngumiti si Ameityst. "Anlayo ko pala sa kanya ngayon. Tahimik kasi ako at malambot ang puso. Madaling nagtitiwala lalo na kapag puso ko ang nagdikta." Wika ng dalaga. "Matalin