"ANO ang pinag-usapan n'yo ni Dad?" hindi maiwasang tanong ni Anamor kay Marco habang nasa loob sila ng sasakyan. Patungo sila sa bayan para bumili ng ilang gamit niya at ilang gamit na rin na ibibigay niya sa binata. "Wala," maiksing sagot ni Marco na ikinasimangot niya. Tumahimik na lang si Anamor dahil wala rin naman siyang makuhang mahabang sagot sa binata na parang napipilitan lang itong sagutin at kausapin siya. Itinuon na lang niya ang atensyon sa labas ng sasakyan kahit na ramdam niya ang paminsan-minsang pagsulyap sa kanya ni Marco. Nilibang na lang niya ang sarili sa tanawin sa labas hanggang sa makarating sila sa bayan. "What is your size?" tanong niya sa binata habang papasok sila sa isang mall. "XXL..." maiksing sagot ni Marco dahilan para mapahinto si Anamor sa paglalaka