Chapter 8

1886 Words

KINABUKASAN, maaga pa lang ay nasa kusina na si Marco para maghanda ng almusal. Inaasahan niyang pupuntahan siya ni Anamor tulad ng sinabi nito kahapon kaya marami siyang niluto kahit na sinabi nitong magdadala ito ng sariling pagkain. Nagprito siya ng tuyo na alam niyang hindi nito matatanggihan, naggayat din siya ng maraming kamatis at sibuyas na katuwang ng salted egg na isa rin sa paborito ng dalaga. Marami rin ang inilagay niyang bawang sa fried rice na niluto niya na gustong-gusto rin nito. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Marco habang inihahanda ang mga pagkaing niluto niya sa hapag. Excited siya sa magiging reaksyon ni Anamor kapag nakita nito ang lahat ng pagkain na inihanda niya. At sigurado siyang hindi ito makakatiis na hindi kumuha o tumikim sa mga pagkaing niluto niya dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD