HINDI na mabilang ni Anamor kung ilang beses nang buntong-hininga ang napakawalan niya habang tahimik siyang nakatanaw sa balkonahe ng kanyang kuwarto. Halos dalawang oras na siyang naroon at natapos na rin niya ang Book 2 ng kuwentong nabasa niya noon na puwede niyang maihalintulad sa sitwasyon niya ngayon. At dumating na nga ang ayaw niyang mangyari sa kanya katulad ng nangyari sa babaeng bida sa kuwento, ang pumili sa dalawang bagay na mahalaga sa kanya. Ang lalaking mahal niya o ang magandang kinabukasan na naghihintay sa kanya? Pero kahit naman dumaan sa ganoong pagsubok ang mga bida sa kuwentong nabasa niya, sa huli naman ay ang mga ito pa rin ang nagkatuluyan. Tila sadya ang mga itong pinagtagpo dahil silang dalawa sadya ang itinadhana. Pansamantala man na nagkalayo pero ang mahala