T-TEKA lang... Magpapaliwanag ako," nauutal na wika ni Anamor habang pabalik-balik ang tingin sa dalawang lalaki na masama ang tingin sa isa't isa. Hawak pa rin ng mga ito ang magkabila niyang braso. Sinamaan niya muna ng tingin si Marcus bago ibinaling ang mga mata kay Marco. "Anong ipaliliwanag mo? Totoo bang boyfriend mo siya at may anak na kayo?" magkasunod na tanong ni Marco at naramdaman niyang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya. Kita niya rin ang pagbalatay ng sakit sa mga mata ng binata. "Hindi..." umiiling na wika ni Anamor at tila nakahinga nang maluwag si Marco sa naging sagot niya. Muling humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso bago siya may puwersang hinila dahilan para mabitawan siya ni Marcus. Bahagya pang tumama ang kanyang katawan sa katawan ni