"PARA sa 'yo, mi amor," malawak ang ngiting wika ni Marco bago ibinigay sa dalaga ang dalang bulaklak. Tinanggap naman iyon ni Anamor at malawak na napangiti nang makitang paborito nitong bulaklak ang dala niya. "Salamat," pasasalamat ni Anamor na marahan niyang ikinatango. Umupo siya sa kaharap na upuan nito. Ilang araw na ang mabilis na lumipas buhat nang bumalik ang dalaga at simula nang bumalik ito ay sinimulan na ni Marco ang panunuyo at panliligaw kay Anamor. Nagdesisyon din siyang umalis sa bahay ng mag-amang Larosa at bumalik sa bahay na dating tinutuluyan niya. Tuwing umaga ay pinupuntahan ni Marco ang kanyang mag-ina bago siya bumisita sa negosyo ng kanyang ama at ni Mr. Larosa na siya ang pansamantalang namamahala. Tuwing hapon ay nasa bahay din siya ng mag-amang Larosa at d