Baby... matulog na, tayo na't magpahinga. Sa 'yong pagkaidlip, ikaw ay managinip... NAPAPAILING na lang si Anamor habang may nakapaskil na ngiti sa labi habang pinanonood ang kanyang mag-ama. Kasalukuyang nasa mga bisig ni Marco ang anak nila habang marahan itong sumasayaw at kumakanta para muling patulugin ang kanilang munting prinsesa. Kay gandang pagmasdan ng tagpong iyon ni Marco at ng anak nila kaya hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi habang pinanonood ang mga ito. Hindi natuloy ang mainit na tagpong nasimulan nila kanina dahil sa naalimpungatan sa mahimbing na pagkakatulog ang kanilang anak. Mabilis na muling isinuot ni Marco ang pang-itaas na hinubad niya rito kanina bago nito binuhat ang kanilang anak para muling patulugin habang siya naman ay nagtungo sa closet para kumuh