Chapter 4

1551 Words
KATULAD ng mga nagdaang araw, maagang gumising si Anamor para magpahatid kay Tata Ramon patungo sa bahay ng mga ito kung saan tumutuloy si Marco. Halos araw-araw ay ganoon ang ginagawa niya kahit noong nagsimula nang magtrabaho ang binata sa hacienda nila. Halos dalawang linggo na ang mabilis na lumipas buhat nang magsimula itong magtrabaho at sa dalawang linggong iyon ay walang araw na hindi niya pinupuntahan si Marco kahit sa trabaho kaya hindi maiiwasang isipin ng ibang trabahante nila sa hacienda na may relasyon sila ng binata. Panay ang pagtanggi ni Marco kapag may nagtatanong kung may relasyon ba silang dalawa habang siya naman ay tuwang-tuwa dahil iyon ang gusto niyang mangyari, ang maging kasintahan ito. At hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog sa kanya si Marco. She will do anything mabihag lang ang mailap nitong puso. And she can do anything maging kanya lang ito. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya noong una niyang nasilayan si Marco dahil hindi naman siya ganoon sa ibang lalaking nakasalamuha niya kahit sa ibang bansa. Marami rin naman siyang nakilalang mga lalaking guwapo at malakas ang dating katulad ng binata pero pagdating kay Marco ay tila nagayuma siya. Noong unang beses na masilayan ito ng kanyang mga mata ay may kakaiba siyang naramdaman sa dibdib niya. Totoo nga yata ang love at first sight dahil tila iyon ang nangyari sa kanya noong nakita niya si Marco. At may kung anong parte sa pagkatao niya na nagsasabing ito ang lalaki para sa kanya, na ito ang lalaking nakatadhana para sa kanya. Isa rin sa dahilan kung bakit maaga siyang pupunta ngayon kay Marco ay dahil may magandang balita siyang ipaparating dito, maganda para kanya hindi niya lang alam kung good news din iyon para sa binata. Dahil sa wakas ay pumayag na rin sa gusto niya ang kanyang ama na gawing driver s***h bodyguard niya si Marco sa halip na sa hacienda nila ito magtrabaho. At kapag wala naman siyang pupuntahan ay puwedeng sa bahay nila ang binata magtrabaho katulong ni Nana Rosa. Iyon ang naging plano niya noong nalaman niyang magtatrabaho sa hacienda si Marco at kagabi lang pinagbigyan ng kanyang ama ang gusto niya. Sa wakas, may magiging rason na rin siya para araw-araw itong makasama at hindi na rin nito magagawang magreklamo sa kanya dahil ang lagi niyang igigiit ay parte iyon ng trabaho nito. "Wala na akong maipapakain sa 'yo kaya umuwi ka na," nakasimangot na bungad sa kanya ni Marco nang pagbuksan siya nito ng pinto. Mahina siyang tumawa sa sinabi ng binata. "Mas mabuti, para ikaw na lang ang kakainin ko," pilyang wika niya kaya sinamaan siya nito ng tingin na malakas niyang ikinatawa. Isa iyon sa gustong-gusto niyang gawin sa binata, ang asarin ito. "Hindi ka ba kinikilabutan diyan sa sinasabi mo? Kababae mong tao pero kung ano-anong kapilyahan ang lumalabas diyan sa bibig mo," masungit na wika ni Marco bago siya tinalikuran. Pilya lang siyang tumawa bago sumunod sa binata. "Anong almusal natin?" tanong niya habang nakasunod dito. Hindi siya sinagot ni Marco bagkus ay inihanda nito sa hapag ang mga niluto nitong pagkain. Binigyan din siya nito ng sariling plato bago ito umupo at sinimulang kumain. Napangiti siya sa ginawa ng binata. Kunwari ay ayaw na ayaw nitong naroon siya pero halata naman na nasasanay na ito sa presensya niya at sa araw-araw niyang pagpunta roon. "Bilisan mong kumain dahil maaga akong papasok ngayon sa trabaho," wika nito nang makitang hindi pa siya nagsisimulang kumain at nanatiling nakatitig lang dito. "Hindi na kailangan dahil simula ngayon ako na ang tatrabahuin mo," wika niya dahilan para mabulunan ito. Mabilis niya itong inabutan ng tubig na agad naman nitong tinanggap at mabilis na ininom. "Ayos ka lang?" nakangiwing tanong niya kahit halata naman na hindi ito ayos. "Ano sa tingin mo?" tila galit sa kanya na wika nito na ikinasimangot niya. "Bakit parang sa 'kin ka pa galit? Hindi ko naman kasalanan kung bakit nabulunan ka. Ikaw na nga 'tong tinulungan pero ikaw pa itong may ganang magalit," nakasimangot na wika niya at napalunok nang magsalubong ang mga kilay nito. Parang kakainin siya nito ng buhay sa mga oras na iyon. "It's your fault dahil kung ano-anong lumalabas diyan sa bibig mo," wika nito at sa pagkakataong iyon ay ang noo naman niya ang kumunot. "Ano bang mali sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman na ako na ang tatrabahuin mo dahil simula ngayon ay magiging driver s***h bodyguard na kita. May masama ba roon?" naguguluhang tanong niya habang inosenteng nakatingin dito. Mabilis itong nag-iwas ng tingin sa kanya pero hindi nakaligtas sa kanya ang mabilis na pamumula ng mukha at tenga ng binata. "N-Nevermind. Kumain ka na lang," wika nito at kahit naguguluhan ay tumango na lang siya saka sinimulang kumain. ***** TAHIMIK na pinagalitan ni Marco ang sarili dahil sa naisip niyang ibang kahulugan sa sinabi ng dalaga. Nasanay na siya sa mga hindi inaasahang salita na nanggagaling sa bibig nito kaya hindi rin siya masisisi kung bakit ganoon agad ang pumasok sa isip niya. Ang hindi niya lang inaasahan ay wala palang ibang kahulugan ang sinabi ng dalaga kaya siya ang lumalabas ngayon na masama. Siya lang itong nagbigay agad ng ibang kahulugan sa sinabi nito kaya ngayon ay hindi niya magawang tingnan si Anamor sa mata dahil nahihiya siya. f**k his dirty mind! "Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" tanong ni Marco sa dalaga habang inililigpit ang mga platong ginamit nila. "Tungkol saan?" balik-tanong nito habang nakakunot ang noo. "Tungkol sa pagiging driver at bodyguard ko." "Mukha ba akong nagbibiro? Ang tagal ko kayang kinulit si Dad tungkol sa bagay na iyon," malawak ang ngiting wika nito at siya naman ang kumunot ang noo sa narinig. "So... it was your idea?" tanong niya at walang pagdadalawang-isip itong tumango na parang sobra itong nasisiyahan sa nangyayari. "Yep! Para wala ka nang maging rason para iwasan at ipagtabuyan lagi ako. Bodyguard at driver na kita ngayon kaya dapat lagi tayong magkasama kahit saan ako magpunta. Isn't it exciting?" bakas ang galak sa boses na wika nito na ikinahinga niya nang malalim. "Ano bang mapapala mo sa pagdikit at laging pagsunod mo sa akin? Hindi magandang tingnan sa isang babae ang laging sunod nang sunod sa isang lalaki. Hindi ka ba naaapektuhan sa mga naririnig mo sa paligid mo at sa iniisip ng ibang taong nakikita ang ginagawa mo? Lalaki dapat ang naghahabol, hindi ang babae..." seryosong wika niya bago ito hinarap. Mas mabuti sigurong tapatin na niya ito para hindi ito umasa dahil halata naman sa kilos ng dalaga na may gusto ito sa kanya. Iyon ang kailangan niyang pigilan habang maaga pa dahil masasaktan lang ito. Idagdag pa na sariwa pa ang sugat sa puso niya dahil sa una niyang pagkabigo at wala pa sa isip niya sa ngayon ang pumasok sa isang relasyon. "Hindi mahalaga sa akin ang sasabihin at iisipin ng iba dahil para sa akin ay wala namang masama sa ginagawa ko. Sinusunod ko lang ang itinitibok ng puso ko at kaligayahan ko ang nakataya rito kaya ang gusto ko ang susundin ko," pangangatwiran nito at bakas ang kaseryosohan sa mukha ng dalaga habang sinasabi iyon. "Pero kahit na ano pa ang maging rason mo, mali pa rin ang ginagawa mo..." giit niya na ikinasimangot nito. "Kailan pa naging mali ang magmahal? Kailan pa naging mali ang magkagusto sa isang lalaki?" "Hindi ko sinasabi na mali ang magmahal lalo na ang magkagusto ka sa lalaki. Ang pagkakamali mo lang ay sa mali kang lalaki nagkagusto," seryosong wika niya dahilan para matigilan ito. Kung kinakailangang sabihin niya rito ang dahilan ng kanyang paglayo ay gagawin niya. Baka sakaling matauhan ito at itigil ang kahibangan sa kanya. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ng dalaga makalipas ang ilang minutong pananahimik nito. Huminga muna siya nang malalim bago sinimulang ikuwento rito ang lahat. Ang tungkol sa nararamdaman niya kay Phoenix at kahit ang nagawa niyang kasalanan ay hindi niya inilihim sa dalaga. "Ngayon mo sabihing gusto mo pa rin ako. Ngayon mo sabihing walang mali sa ginagawa mo. Masasaktan ka lang sa akin kaya habang maaga pa ibaling mo na lang sa ibang lalaki 'yang nararamdaman mo..." "No! Hindi! Ayaw ko!" matigas na wika nito na ikinanganga niya. "Tutulungan na lang kitang mag-move on, hayaan mong tulungan kitang mag-move on. Use me. Gamitin mo ako para mabilis mo siyang makalimutan. Gamitin mo ako hanggang sa maghilom ang sugat diyan sa puso mo. Papayag akong magpagamit sa 'yo basta akin ka lang habang nasa tabi kita, magiging pagmamay-ari kita habang nandito ka," dagdag na wika ng dalaga. "Nababaliw ka na..." tanging nasambit niya habang hindi makapaniwalang nakatingin dito. Hindi niya rin naman ito masisisi dahil nakikita niya ang sarili sa dalaga noong mga panahong ipinipilit niya ang sarili kay Phoenix. Parang pareho lang sila ng naging sitwasyon. "Gusto kita 'yon ang alam ko at hindi ko iyon basta isusuko kahit na anong sabihin at gawin mo. Magiging akin ka rin, Marco. Magigising ka na lang isang araw na nakalimutan mo na ang sakit ng iyong nakaraan at ako naman ang babaeng gusto mo..." muling seryosong wika nito bago siya tinalikuran at iniwan sa kusina. Habang siya ay naiwang tulala at nakanganga habang nakatingin sa likod ng papalayong dalaga. "Damn! She's really impossible..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD