SUNOD-SUNOD ang naging paglunok ni Marco dahil sa kiliting dulot ng mainit na kamay ni Anamor na kasalukuyang hinahaplos at nilalaro ang mga pinong balahibo niya sa dibdib. Hindi niya itatangging sobra siyang naaapektuhan sa bawat haplos ng dalaga at kanina pa siyang nag-iinit dahil sa ginagawa nito. Kanina pa ring nagwawala ang nasa pagitan ng kanyang mga hita na kanina pang gustong angkinin ang dalaga. Kasalukuyan siyang nasa kuwarto ni Anamor at katabi ito sa ibabaw ng kama. Bahagya siyang nakasandal sa headboard habang may unan sa likod niya. Yakap niya ito gamit ang isang braso habang nakaunan ito sa dibdib niya kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ng dalaga na lalong naghahatid ng kakaibang init sa katawan ni Marco na kanina pa niyang pilit na iniignora. Hindi