ILANG araw ang mabilis na lumipas buhat nang mangyari ang insidente sa ilog. May pagkakataong bumabalik sa isipan ni Anamor ang nangyari kaya madalas ay nililibang niya ang sarili para hindi niya masiyadong maisip ang tungkol sa bagay na iyon. Madalas din ay nasa hacienda siya para doon magpalipas ng oras kasama si Marco kapag libreng oras ng binata sa trabaho. Sa tuwing hapon naman ay pinupuntahan siya nito sa bahay at madalas ay doon na rin ito nagpapalipas ng gabi. Malaking katulungan ang presensya ni Marco sa tabi niya kung bakit hindi masiyadong bumabalik sa isipan ni Anamor ang nangyari. Ang binata rin ang dahilan kung bakit hindi siya masiyadong naapektuhan sa nangyari dahil lagi nitong ipinaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa, na lagi niya itong kasama at ligtas siya habang