"SI DADDY. Anong gagawin natin?" pabulong na tanong ni Anamor kay Marco. "Answer him. Sabihin mo na nandito ka sa loob and you're busy," sagot ni Marco. Hindi man lang kababakasan ng kaba o takot ang mukha ni Marco na baka mahuli sila ng kanyang ama. Hindi lang siguro nito inaasahan na kakatok ang kanyang ama kaya natigilan ito kanina katulad niya. "I'm here, Dad. May kailangan po ba kayo?" malakas na wika ni Anamor para marinig siya ng kanyang ama. "Wala naman, anak. Hindi lang sigurado si Nana Rosa mo kung nakarating ka na dahil hindi raw niya nakita ang pagdating mo kaya pinuntahan kita. And I also want to ask kung nakauwi na ba si Marco? Nakita ko kasi sa baba ang sasakyan mo? Hindi ba niya ginamit?" wika ng kanyang ama at sinamaan niya ng tingin si Marco nang marinig niya ang mahin