MABILIS na bumangon si Marco sa kama at tumakbo patungo sa banyo nang makaramdam ng pagsusuka. Muntik pa siyang natumba nang biglang makaramdam ng pagkahilo, mabuti na lang at nakahawak siya sa hamba ng pinto ng banyo kaya hindi siya tuluyang nawalan ng balanse. Saglit muna siyang tumigil sa may pintuan at hinintay na mawala ang kanyang pagkahilo pero agad din siyang nagtungo sa toilet bowl nang muling makaramdam ng pagsusuka. "f**k!" mura ni Marco nang matapos siya sa pagsusuka. Wala namang lumalabas sa bibig niya pero ang pakiramdam niya ay tila may humahalukay sa kanyang sikmura. Ilang araw na siyang ganoon tuwing umaga at kung hindi lang siya lalaki ay iisipin niyang nagdadalang-tao siya dahil bukod sa pagsusuka ay nakakaramdam din siya ng pagkahilo na ang alam niya ay sintomas kapa