"MOM... Dad..." pagkuha ni Marco sa atensyon ng mga magulang na kasalukuyang kabababa lang ng sasakyan. Parehong nagulat ang dalawa nang makita siya at malalaki ang hakbang na lumapit sa puwesto niya bago siya mahigpit na niyakap. Halos kalahating oras na siyang naghihintay sa labas ng bahay nila para hintayin ang pagdating ng kanyang mga magulang na galing sa trabaho. Hapon na nang dumating si Marco roon at kanina pa siyang umaga umalis sa Hacienda Larosa kung saan siya namalagi ng halos isang taon. "Marco, anak ko..." umiiyak na wika ng kanyang ina at bakas sa boses nito ang labis na pangungulila sa kanya. Ganoon din ang kanyang ama na mahigpit na yakap silang mag-ina. "I'm sorry, Mom, Dad..." paghingi ni Marco ng tawad sa mga magulang dahil sa ginawa niyang pag-alis ng walang paalam