MAKALIPAS ANG TATLONG TAON... "Bakit hindi ka pa bumabalik, mi amor? Akala ko ba hanggang dalawang taon ka lang d'yan? Bakit ang tagal mong bumalik? Nakalimutan mo na bang may naghihintay na isang Marco Aguilar sa pagbabalik mo?" nagtatampong wika ni Marco habang pinagmamasdan ang mga larawan ni Anamor sa kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa ilog, nakaupo sa ibabaw ng malaking bato na madalas na puwesto nila ng dalaga kapag nasa ilog silang dalawa. "Tatlong taon na ang lumipas, mi amor. Tatlong taon na akong nangungulila at naghihintay sa 'yo," malungkot na dagdag niya habang nakatitig sa nakangiting larawan ng dalaga. "Bumalik ka na, pakiusap... Balikan mo na ako..." Tatlong taon na ang mabilis na lumipas buhat noong umalis si Anamor pero hindi pa rin ito bumabalik. Nakatapos na