My Plus Size Lover AiTenshi June 13, 2020 Part 40 "Good morning, 11 hrs of sleep. Good for you iyan. Atleast nabawasan yung eyebags mo." ang wika Migs noong makitang pababa ako sa hagdan. "Presko doon sa itaas kaya napahimbing ang tulog ko maliban lang sa parte kung saan hinahabol ako ng sinturon ng aking ama. Papaluin daw niya ako kapag naabutan niya ako kaya kahit sa panaginip ko ay takbo ako ng takbo." "Kapag pumasok ang iyong ama sa iyong pag tulog ay bangungot ang tawag doon at hindi isang panaginip." sagot niya. "Nga pala anong latest?" tanong ko. "Diba usapan walang social media at walang rin news para sa iyo? Kaya ayokong sabihin yung napanood ko sa tv kanina." sagot ni Migs. "Kailangan kong malaman, baka maya maya ay may death threat na ako dahil sa galit ni Amir at Jon