My Plus Size Lover AiTenshi June 12, 2020 Part 39 Hindi ko namalayan ang oras na dumaraan. Malamig na hangin ang dumampi sa aking mukha kasabay noon ang pag mulat ng aking mga mata. Alas 2:30 na pala ng umaga at marami na akong missed calls na natanggap mula kay Luke. Nag text rin ang aming landlady at sinabing nag punta ito (si Luke) sa aking apartment pero hindi naman ako umuwi kaya umalis na rin ito. May mensahe rin kay Diego na sinasabing binigyan muna ni Luke ng matutuluyan ang aking ama habang di pa kami nakakapag usap ng maayos. At dahil ayokong makipag usap ay pinatay ko ang aking cellphone at nag agad akong nag paalam kay Inay. Muli akong bumalik sa aking sasakyan at nag drive pabalik sa aking apartment. Sinilip ko muna ang paligid dahil baka nandoon si Luke, luminga