PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." My Plus Size Lover AiTenshi June 10, 2020 Part 38 Walang katapusan ang pag tulo ng aking luha. Natapakan ko ang preno ng aking sasakyan at biglang itong huminto dahilan para masubsob ako sa manibela. Dito na bumugso ang aking emosyon, ang aking pag iyak ay halong galit at hinagpis. Para akong batang umiiyak habang naka dukdok ang sa manibela. Masakit para sa akin ang makita si Itay, at mas masakit na ginamit siyang kasangkapan para ipahiya at ibagsak ako. Patul