PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." My Plus Size Lover AiTenshi June 15, 2020 Part 43 Makalipas ang ilang araw na pag kaka confine sa ospital ay tuluyan na akong pinayagang lumabas. Pilay pa ang aking binti kaya kinakailangan ko pa rin ng suporta sa pag lalakad. Di naman umalis sina Luke at Migs sa aking tabi. Halos kung gaano ako katagal sa loob ng ospital ay ganoon rin silang katagal dito. Napilitan pa si Luke na bumili ng mga extrang damit at ang iba ay hiniram niya sa aking gamit dahil noong