PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." My Plus Size Lover AiTenshi June 14, 2020 Part 42 "Hanggang kailan ka tatakas at lalayo?" tanong ni Luke. "Kung ang katulad mo ang lalayuan ko, baka ang isagot ko ay "hanggang may paa ako." tugon ko. "Alam kong malaki ang galit mo sa akin, at hindi ko na alam kung paano ko ibabangon ang sarili ko sa iyo." "Ang gusto mo lang naman ay mag payaman ng husto diba? Ano pang halaga ko sa iyo? Ahhh, alam ko na, gagamitin mo ulit ako para kumita." ang s