PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." My Plus Size Lover AiTenshi June 3, 2020 Part 25 "Naaawa ka kay Luke? O baka naman pati ikaw ay naguguilty? Pareho lang naman kayong nag lolokohan. Niloko ka niya noon at sinaktan diba? Ngayon naman ay niloloko mo rin siya sa pag papanggap na ikaw si Jerry. Quits lang kayo." wika ni Migs habang pinapanood akong mag bihis. "Naisip ko lang na ipag tapat na kay Luke ang totoo. Ano sa tingin mo?" tanong ko. "Nababaliw ka na ba? Niyakap ka lang sa sementeryo ay bigla