My Plus Size Lover AiTenshi June 3, 2020 Part 24 "Kaya lalo kang pag hihinalaan ni Amir na isang retokado ay dahil takot kang sumama sa kanya sa mga tanning salon. Iniisip mo na baka matunaw yang gluta sa katawan mo at mag mukha kang dalmatian na batik batik. Tama ba ako?" tanong ni Doc Olbe. "Naisip ko lang na baka mawasak ang balat ko dahil 30% discount lahat ng pinagawa ko." ang sagot ko. "Kahit 30% discount iyan ay maganda ang pag kakagawa ko sa iyo at hindi basta basta lang. Yung lalaking Amir na iyon na nasa sitcom ay retokado rin iyon! Yung kaibigan kong surgeon ang gumawa ng ilong at buong mukha niya. Kailangan niyang mag patan dahil hindi bagay sa mukha niya ang maputi!" ang wika ni Doc. Nakatingin siya sa akin.. "Sumama ka sa mga trip niya. Mag pa Tan ka o mag sun b