Kapwa napatigil sina Adonis at Camilla nang may tumikhim sa kanilang likuran. Agad silang napalingon at kapwa rin sila nabunutan ng tinig sa dibdib nang makitang si Manang Rosa ang dumating. "Ano bang meron at pinapunta ako rito ni Rudy?" maang na tanong nito at nang mapagtantong naaktuhan silang dalawa na silang dalawa lang sa kusina sa ganoong oras ay may paghihinalang napatitig siya sa dalawa. "Teka, Sir Adonis, anong ginagawa niyo rito ni Camilla?" nagdududang usisa nito. Medyo hindi nakapag-isip agad si Adonis kung isasagot sa matanda, mabuti na lamang at umawat si Camilla. "Manang, inalalayan ko po siya, nauuhaw raw po," bulalas ni Camilla na sa totoo lang ay nanginginig ang buong katawan. Hindi kasi siya sanay na magsinungaling. "A, oo, manang 'buti nga at gising pa pala itong s