Nalilito si Camilla kung ano ang dapat niyang gawin, sinasabi ng kanyang isipan na umalis na siya ngunit sinasabi ng puso na hayaang makasama si Adonis. Damang-dama niya ang init ng palad na gumagapang sa kanyang likuran. 'Camilla, itulak mo na siya bago ka muling madala,' sigaw ng isipan. Ngunit ayaw sumunod ang kanyang mga kamay upang pigilan si Adonis sa kapangahasan nito. Marubdob ang halik na ipinagkakaloob sa kanya ni Adonis na tumutupok sa kanyang katinuan. May pagkakataong gusto itong itulak pero ayaw gumalaw ang mga braso upang itulak ito. Naramdaman niya ang paggapang ng labi ni Adonis sa kanyang punong-tainga dahilan upang manigas siyang natitigilan. Nagibg pangahas pa lalo ang palad nito at nagsimulang maglakbay sa kanyang kaselanan dahilan upang mabilis na ikalawit ang mg