Tanghali na nang magising si Camilla kaya dali-dali siyang nag-imis upang hanapin si Adonis. Medyo masakit ang katawan pero hindi siya nagpahalata at natagpuan ang lalaki sa may harden. Napatigil siya nang matanaw si Adonis na nakaupo sa isaktong lokasyon kung saan siya nakaupo habang nakatanaw kina Zara at Brent kagabi. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya bago tuluyang humakbang upang puntahan ito. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit dito nang magsalita ito. "You should sleep more, no need to wake up so early," anito na batid na siya ang pinapatungkulan. "It's okay, sir, kailangan kong gawin ang trabaho ko," pormal na wika ni Camilla. Ayaw niyang mahaluan ng malisya ang trabaho, hindi pwedeng sabihin na may nangyari sa kanya ay pababayaan na ang trabaho. Nang makita ni