Tumawa nang malakas si Savannah nang mapansing literal na napatigil si Adonis nang marinig ang boses niya. Ganoon pa ba ito naaapektuhan sa kanyang presensiya. Sa bagay, halos mabaliw nga ito noon sa kanya kaya tiyak na nabigla niya ito sa kanyang pagbabalik. 'It's pay time, Adonis,' usal ni Savannah sa sarili habang hawak ng isang kamay ang cell phone na nakalagay sa tainga habang ang isa naman ay kopita ng alak. 'Pababagsakin kita hanggang sa gumapang ka at magmakaawa sa 'kin!' ngitngit ang kalooban habang hinihintay ang lalaki na magsalita sa kabilang linya. "Nagulat ba kita? I feel so sorry about what happen sa 'yo, hope you're okay?" aniya na may himig pakikisimpatya nang wala siyang marinig na katugunan mula kay Adonis. Nang malaman mula sa dating kaibigan ang nangyari rito ay na