Hindi napigilan ni Camilla ang sarili dahil kahit naman matigas si Adonis ay may nasisilip pa rin naman siyang kabutihan dito. Napangiti siya sa munting biro nito lalo pa at sabay pa silang nagsalita. Medyo naiilang siya rito dahil baka bigla na lamang siya uling hatakin sa loob ng silid nito. Kapwa sila nagngingitian nang may boses na bumasag sa kanilang dalawa. "Bravo!" malakas na boses ang pumukaw kina Adonis at Camilla na noon ay agad na napalis ang mga ngiti sa mukha. "Mukhang may nakakatawa sa pinag-uusapan ninyo? What is it, para matawa naman ako?" may pagkasarkastikong turan nito habang papalapit sa kinaroroonan nila. Nabahala si Adonis sa nakikitang galit sa mga mata ni Zara na noon ay tumbok ang kinaroroonan ni Camilla. Hindi na nakapag-isip pa si Adonis at agad na sinalubong