INIWAN ni Aleah si Drake sa bahay. Pero alam niya aalis ito pagsapit ng dilim. Pagdating niya sa opisina ay pinatawag kaagad siya ng matandang Sebastian. Bibiyahe na raw sila patungong Pampanga. Alas-otso raw kasi ang simula ng meeting. Inihanda na niya kagabi pa lang ang lahat na kailangan niya sa meeting. Fully charged din ang laptop niya. May kasama silang tatlong bodyguards. Kasama rin nila ang manager ng real estate developer na si Victoria.
Halos dalawang oras din inabot ang meeting ng mga business investors. Mayroon kasi silang branch office ng real estate sa Pampanga. Meron din office roon ang security agency. Umaga pa napapansin na ni Aleah na matamlay ang matandang Sebastian. Pagkatapos ng tanghalian ay nagdesisyon ang ginoo na umuwi na sila ng Maynila.
Dumeretso si Aleah sa opisina niya para gawin ang minutes of the meeting. Abala siya sa pagtipa sa keyboard nang may kumatok.
“Come in!” sabi niya.
Bumukas ang pinto kasabay sa mabilis na pagpasok ni Tyler. “What happened to the meeting? Pumayag ba si Daddy na gawing corporation ang agency?” agad-agad ay usisa ni Tyler. Umupo ito sa tapat ng lamesa niya.
Bumuntong-hininga siya. “Hindi tinalakay sa meeting ang tungkol sa agency. Pero binanggit ni Boss na kapag hindi pa nakabalik si Drake, ay mapipilitan siyang kumuha ng board of directors para sa agency,” sagot niya.
“Meron ba siyang binanggit kung sinu-sino ang investors?”
“I don’t have an idea, pero merong dumating sa meeting na isa sa mga investors at isang retired PNP officer.”
“Hindi ko na maintindihan si Daddy. Ang gulo ng isip niya ngayon.”
“At parang nanghihina na siya,” dagdag niya.
Tumitig sa kanya si Tyler. Pagkuwa ay nagtagis ang mga bagang nito. “Paimportante naman kasi itong si Kuya. Kung buhay siya, sana bumalik na siya. Hindi iyong pinapahirapan pa niya si Daddy,” inis na wika nito.
Hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ni Tyler. Parang isinisisi pa nito sa kapatid ang nangyari rito. Hindi naman ginusto ni Drake na mamatay. No, hindi pala dapat niya iniisip na patay na si Drake, dahil nakakasama at nakakausap niya ito.
“Huwag mong sisihin ang kuya mo, Tyler. Hindi niya ginusto ang nangyari sa kanya,” sabi niya.
“Ano ba kasi talaga ang nangyari sa kanya? Imposibleng patay na siya kung hindi nakikita ang katawan niya. O baka naman nagtatago lang siya.”
Hindi nakakibo si Aleah. Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa dahil kailangan maibigay niya ang kopya ng minutes of the meeting sa matandang Sebastian bago ito uuwi.
“Anyway, may dadaluhan akong party mamaya. Puwede ba kitang isama, Aleah?” mamaya ay sabi ni Tyler.
Sinipat niya ito. Hindi ba nito nahahalata na busy siya? Isa pa, wala siyang hilig sa party. Mas gusto pa niyang matulog. Sayang ang oras na igugugol niya sa pagdalo sa party ng kung sinong nilalang. Hindi naman niya kilala ang mga iyon.
“Kaninong party?” tanong niya.
“Birthday kasi ng college friend ko kasabay sa birthday ng first baby niya. Ninong ako ng anak niya. Galante iyon at gumagastos ng milyon para sa isang party. Civil engineer sa Canada si Greg, at ang asawa niya ay nurse sa Canada. Umuwi lang sila rito para sa bakasyon.”
“Sorry pero kailangan kong mag-overtime para matapos ko na ang report ng pinapagawa sa akin ng daddy mo. Kailangan ko ring magising nang maaga dahil magsu-survey kami ni Miss Victoria sa mga projects ng kumpanya,” alibi niya.
Kumagat-labi si Tyler. “You never refused my invitations except now, Aleah. Hindi naman tayo magtatagal sa party, eh. Kakain lang tayo pagkatapos uuwi na. Kailangan ko lang magpakita kay Greg,” dismayadong sabi nito.
“Hindi ka ba makapunta mag-isa?”
“Ayaw ko lang makantiyawan.”
“Makantiyawan?”
“Yes. They all have their own family, except me. Kailangan makita nila na may kasama akong babae.”
“Ah, so gagawin mo akong pang-display? Bakit hindi mo imbitahin ang mga pini-flirt mong babae? Huwag ako, Tyler. Busy akong tao. Wala akong panahong sakyan ang kalokohan mo. Kung wala ka nang ibang sasabihin, puwede ba pabayaan mo akong makapagtrabaho nang maayos?” sabi niya. Pumalatak na siya.
Marahas na tumayo si Tyler. “Fine!” sabi nito saka umalis. Pabalyang isinara nito ang pinto.
PAGSAPIT ng dilim, lumabas ng condo si Drake para pumunta sa kumpanya ng daddy niya. Nagsisiuwian na ang mga empleyado pero marami pang sasakyan na nakaparada sa garahe sa ibaba. Alam niya twenty-four hours ang operation ng security agency. Marami pang tao sa first floor.
He wore a black duster leather jacket, black denim pants. He also wore a black ball cup, sunglasses to hide his face. Sinabayan niya ang pagpasok ng tatlong kalalakihan sa gusali. Sa hagdan lang siya dumaan papuntang second floor kung saan ang opisina ng security agency. Marami pang tao sa opisina kaya dumeretso na siya sa fourth floor, sa office ng daddy niya pero naka-lock na ang pinto.
Alam niyang bawat sulok ng gusali ay may nakaabang na CCTV footage kaya napilitan siyang tunawin ang katawan para maging usok. Nakapasok siya sa loob ng opisina ng daddy niya. Doon ay sinadyang hindi pinalagyan ng daddy niya ng CCTV footage. Kailangan niyang makita ang list of clients ng daddy niya. O kaya’y mga listahan ng kasong hinawakan nito. Alam niya naroon lang sa opisina nito ang mga iyon.
Kagabi kasi, umalis siya sa condo ni Aleah para pumunta sa Land Transportation Office para malaman kung nakarehistro roon ang plate number ng sasakyan na ibinigay sa kanya ng dalaga. Sa magdamag na paghahanap, nakita niya ang pangalan ng may-ari ng naturang sasakyan. Isang nangangalang Arvin Sardones, isang active police Maynila ang naka-rehistro.
Ang sunod niyang hinanap ay ang record ng naturang pulis sa kung saang presinto ito nakadestino. Nakuha niya ang record at litrato ni PO2 Arvin Sardones. Siyempre, para hindi siya mahuli, sinira muna niya ang mga camera. Pero kulang pa rin ang ebidensiyang iyon para mapatunyang isa nga si Sardones sa mga suspect niya.
Dahil sa sinabi ni Aleah na nanggaling doon sa kumpanya si Sardones, malakas ang kutob niya na may koneksiyon ang lalaki sa daddy niya, o sa ibang opisyales ng kumpanya. List of clients lang ang nakuha niya.
Lumabas na siya. Sa isang kuwarto pangatlo mula sa opisina ng daddy niya ay ang opisina ng sekretarya. Baka sakaling naroon pa si Aleah. Dumaan siya sa maliit na siwang ng pinto sa ilalim nito baka ika niya’y may nakaabang na camera sa loob ng opisina ni Aleah. Meron nga siyang nakita at nakatutok pa mismo sa lamesa ng dalaga.
Nakabukas pa ang computer at ilaw. Naroon pa ang mga gamit ng dalaga pero hindi niya naramdaman ang presensiya nito roon. Ginamitan niya ng kapangyarihan ang camera para mawalan ito ng bisa pansamantala. Nang masigurong hindi na ito gumagana ay ibinalik niya ang pisikal na katawan. Umupo siya sa swivel chair ni Aleah at pinakialaman ang computer nito. Alam niya na may hawak ito ng lahat na files ng kumpanya.
PAGKATAPOS na makapag-time out ay bumalik sa opisina niya si Aleah para kunin ang mga gamit. Pagbukas niya ng pinto…
“Ay kalabaw!” bulalas niya. Nabitawan niya ang bitbit niyang paper bag na may lamang papeles nang maabutan niya si Drake na nakaupo sa harap ng lamesa niya.
Dagling pinulot niya ang paper bag saka pumasok. In-lock niya ang pinto. Tiningala niya ang camera.
“Hoy! Ano’ng ginagawa mo riyan? Nakikita ka sa camera!” sita niya rito.
“May common sense ako, Aleah. Of course, pansamantala kong binulag ang camera,” sabi nito. Nakatingin pa rin ito sa monitor ng computer.
“Paano ka nakapasok dito?”
“Nakalimutan mo na ba kung ano ang kaya kong gawin?”
Naalala niya na may sa multo pala itong si Drake. Nilapitan niya ito. Kinakabahan siya na baka may mabura itong importanteng files sa computer.
“Ano ba ang hinahanap mo?” pagkuwa ay tanong niya.
“May kopya ka ba ng list of guests or visitors dito sa files mo? Hindi kasi ako makapasok sa security office.”
“Hindi ko na hawak ‘yon. Ang security department ang may hawak doon.”
“Pero may copy ka ng list of cases na hinawakan ng security and investigation agency.”
“Hindi lahat na records ay hawak ko dahil hindi pa nai-turn over sa akin ang lahat na records ng agency. About sa cases na hawak ng daddy mo, personal niya iyong record. Hindi niya ako binibigyan. Public lawyer siya pero ang records niya ay hindi niya basta pinapahawak sa iba.”
Nang muli niyang tingnan ang monitor ay naalarma siya nang makitang binubuksan ni Drake ang mga private pictures niya na naka-save sa flash drive na nakakonekta pa rin sa computer. Nag-upload kasi siya kanina ng picture sa f*******: at nakalimutan niyang alisin ang flash drive niya.
“Hey, picture ko ‘yan!” Pilit niyang inaagaw ang mouse sa kamay ni Drake, pero ayaw nitong bitawan. Hinawakan niya ang kamay nito na may hawak sa mouse para pigilan ito sa paghalungkat ng pictures niya.
Natatakot siya baka makita nito ang picture niya na nakabikini noong nag-swimming sila ni Victoria sa beach resort ng isa sa mga kliyente nila. Napagkatuwaan lang naman nilang mag-photo shoot noon dahil ang ganda ng view. Hindi siya sanay na nakikita in public ang pictures niya na naka-underwear.
“Wait! Huwag ka ngang magulo!” reklamo pa ni Drake.
Ayan na nga, nabuksan na nito ang pictures niya na nakabikini sa tabing dagat. Pinalakihan pa nito ang picture niya na nakahiga sa buhangin habang nakadipa. Nangahas siyang tabigin ang kamay ni Drake pero bigla nitong dinakip ang kamay niya at mahigpit na pinisil.
“Bakit ayaw mong makita ang pictures mo? Wala kang dapat ikahiya dahil napakaganda mong babae. You look so hot in this picture,” sabi nito.
Hinihila niya ang kamay niya pero ayaw nitong bitawan. Nag-init ang mukha niya. “I-off mo na ‘yan! Wala pang lalaking nakakita sa katawan ko maliban sa tatay at kuya ko!” napipikon nang sabi niya.
“Obvious naman na conservative ka mula sa kasuotan at kilos. So, meaning I am the first who saw your nude photos? It’s just a picture. Sabi nila, iba pa rin ang impact kapag harap-harapan mong nasisilayan ang katawan ng babae, than watching them in pictures or TV screen. And I proved it. Marami na akong nakitang hubad na babae, as in no underwear,” sabi nito.
“Pare-pareho naman kayong mga lalaki, eh. Sa katawan lang kayo unang humahanga.”
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya sabay hatak sa kanya. Napasubsob siya sa likod nito. Saglit siyang naparalisa nang biglang tumayo si Drake at lumapit pa sa kanya. Dumaiti ang mga katawan nila
Shet! Lihim siyang napamura nang madama niya ang pagsikip ng dibdib niya sa kanyang panloob. Naramdaman kasi niya sa kanyang puson ang pamumukol at naninigas na armas ni Drake.
Napakarumi ng isip niya sa nga sandaling iyon. Hindi niya napigil ang sarili na isiping baka kanina pa pinagnanasaan ng lalaki ang mga larawan niya. Pero inalis niya kaagad iyon sa isip niya dahil alam niyang professional ito. At sabi nga nito, marami na itong nakitang hubad na babae. Kaya imposibleng sa simpleng nakabikining larawan niya ay mabubuhay ang sandata nito.
“Don’t worry, hindi ako maniac. Pero alam ng katawan ko kung karapat-tapat bang babae ang pagnanasaan niya. Hindi ako gumagalaw ng kung sinu-sinong babae. I don’t just f*ck a woman, unless my love for her has a touch of lust. I have self-control when if it comes to s****l matters. Hindi naman ako interesado rito noon, dahil nga wala na akong time,” seryosong pahayag nito.
Dahan-dahang itinulak niya ang dibdib nito. Wala siyang karanasan sa s*x kaya kinikilabutan siya kapag ito ang topic at lalaki pa ang kausap. Binitawan ni Drake ang kamay niya.
“What do you want for dinner?” mamaya ay tanong sa kanya ni Drake.
Kumalma na ang nerves niya. “Bibili na lang siguro ako ng lutong ulam,” aniya.
“Ipagluluto kita. Mabilis lang akong magluto,” sabi nito.
Kailangan niya itong tanggihan dahil kung hindi ay lalabas na umaabuso na siya. “No need. Hindi ka rin naman kakain, eh,” tanggi niya.
“I want to cook for you-just for you,” pilit nito.
“Drake, we don’t have any relation to each other. So don’t waste your time on me. Please do what you want in life to find justice for yourself. I told you, I can’t help you,” paunawa niya rito.
“Are you refusing me, Aleah?” seryosong tanong nito.
“Ayaw ko lang masangkot sa kaso mo. Lumaki na akong ganito pero never akong napahamak,” aniya.
“At sinong may sabi na ipapahamak kita? Hindi ka magagalaw ng kahit sino. I will protect you.”
“I don’t need protection kung hindi ka manghihimasok sa buhay ko!” pagtataboy niya rito.
Bumuga ng hangin si Drake. “Fine. For your peace of mind, I will leave you. Pero hindi mo na matatakasan ang kapalaran mo, Aleah. Hindi ako ang uusig sa ‘yo kundi ang sarili mong konsiyensiya. But thank you for the effort to find my suspect. I’ll see you soon,” sabi nito saka ito tumalikod.
Tinatanaw lang niya ito habang papalabas ng pinto. Naisip niya, tama kaya ang ginawa niyang pagtataboy kay Drake?
Dahil sa pag-alis ni Drake, pakiramdam ni Aleah ay parang may kulang sa pagkatao niya. Kailan lang ba sila nagkausap at nagkasama ni Drake? Pakiramdam niya ay nasaktan niya ang damdamin ng binata.
Hindi nagustuhan ni Aleah ang nabili niyang ulam. Kung hindi sana niya itinaboy si Drake, ‘di sana’y nakakain siya ng masarap. Meron sana siyang tagaluto ng almusal. Hindi na sana niya kailangang magising nang sobrang aga para maghanda ng babaunin niya. Isang araw lang siya pinatikim ni Drake ng alaga, pero bakit hinahanap-hanap na niya? Nahirapan siyang matulog dahil kahit anong aliw niya sa sarili ay naiisip niya si Drake.
Nasaan na kaya ngayon ang bampirang iyon?
LATE ng isang oras sa trabaho si Aleah dahil tinanghali siya ng gising. Ni hindi na siya nakapag-almusal at nakapagbaon ng tanghalian. Pagdating niya sa kumpanya ay nagyaya na kaagad si Victoria na bumiyahe na sila para ma-survey ang mga area kung saan sila my project. Mostly sa mga projects nila ay condominium at ang iba ay housing project. Na-save ang lunch niya dahil may food allowance na binigay sa kanila.
Alas-tres na ng hapon sila nakabalik sa kumpanya. Dumeretso kaagad si Aleah sa opisina niya para gumawa ng report na isa-submit sa presidente.
Maya-maya ay iniwan niya ang ginagawa nang biglang tumunog ang emergency alarm ng kumpanya. Napalabas siya ng kanyang opisina. Nakita niya ang mga staff na sumusugod sa opisina ng presidente. Sumunod din siya sa mga ito.
Hindi pa siya nakarating sa paroroonan ay nasalubong na niya sa pasilyo ang tatlong security guards na buhat-buhat ang walang malay na katawan ng kanilang presidente.
“Ano’ng nangyari?” tanong niya kay Victoria. Natataranta rin ito.
“Nadatnan ko na lang siya sa office na walang malay,” sumbong nito.
Sabay na silang bumaba gamit ang hagdan. Isinugod sa malapit na ospital ang kanyang boss.