HINDI inaasahan ni Drake ang impormasyong nasagap pagdating niya sa kanilang kumpanya. Narinig niya mula sa mga empleyado na naisugod sa ospital ang daddy niya. Alas-otso ng gabi umalis siya sa kumpanya para hanapin ang ospital na pinagdalhan sa daddy niya. Mabilis niya itong nasagap dahil sa nararamdaman niyang presensiya ni Aleah. Pero hindi siya maaring sumugod basta sa kuwarto kung saan nakaratay ang kanyang ama. Naroon din si Tyler at ang ina nito. May nakakabit na mga aparatos sa katawan ng daddy niya. Naririnig niya ang t***k ng puso nito sa pamamagitan ng ECG monitor. Napakahina ng pintig ng puso nito. Narinig niya ang sinabi ng doktor kay Tyler, nagkaroon daw ng cardiac problem ang daddy niya na maaring dahilan ay dahil sa na-take nitong mataas na dosage ng gamot na hindi pa na