PAGKATAPOS ng meeting, hindi kaagad lumabas ng conference room si Aleah dahil may pinagawa sa kanya si Atty. Reymundo. Pagkakuha sa kailangan ay umalis na ang abogado. Nagsilabasan na rin ang ibang mga opisyales. Nagliligpit na ng gamit si Aleah nang bigla siyang nilapitan ni Elton. Sobrang lapit nito sa kanya, dalawang dangkal lang ang pagitan. Inalipin siya ng kaba. “Miss Aleah, I would like to ask you a favor,” paanas na sabi nito. Tiningnan niya ito nang mataman. Mukhang alam na niya kung ano ang ipapakiusap nito sa kanya. Hindi nabanggit sa meeting kanina ang tungkol sa DNA result na nagpapatunay umano na patay na si Drake. Malamang tungkol doon ang sasabihin nito. “Go ahead, sir,” magalang na sabi niya. “About the police report, can you please don’t mention it to Drake?” pakiusa