PAGKATAPOS ng meeting ay inimbitahan ni Elton si Aleah sa opisina nito. Wala pa ma’y kinakabahan na siya. Ganoon palagi ang nararamdaman niya sa tuwing silang dalawa lang ni Elton ang magkasama. Pakiramdam niya’y may nakaabang na panganib sa tuwing ito ang kausap niya. Masyado kasi itong seryosong tao. Nahihirapan siyang kilatisin ang pagkatao nito. Palibhasa, bihira sila nagkikita dahil bihira rin ito nagre-report sa main office. Prenteng nakaupo siya sa silya katapat ng office table ni Elton. May binuksan itong brown envelop. Mamaya ay may pinakitang litrato si Elton. Pagtingin niya sa wallet size na litrato ay nagulat siya nang makita ang sarili niya na kasama si Drake sa isang machine shop. Kuha malamang iyon noong nagpunta sila ni Drake sa machine shop para kunin ang kotse niya. Big