HINDI kinikibo ni Drake si Aleah. Pansin kasi niya na parang biglang nangingilag sa kanya ang dalaga. Nagpakaabala na ito sa niluluto. Siya naman ay nililinis ang kalat niya. Nang masamyo niya ang dugo ni Aleah ay bigla siyang tumakbo sa kusina. Biglang nanabik ang lalamunan niya nang makita ang dugo mula sa sugat sa daliri ng dalaga. Sa halip na pahirin ang dugo ay lalo pang pinisil ni Aleah ang daliring nasugat. Napatingin ito sa kanya. “What are you waiting for, Aleah?” naiinip na tanong niya rito. Nahihirapan na kasi siyang pigilan ang sarili na huwag mag-crave sa dugo nito na minsan na niyang natikman. Hindi kumibo ang dalaga. Parang inaakit pa siya nito ng dugo nito. Hindi siya nakatiis. Kumuha siya ng tissue paper saka kusang pinahid ang dugo sa sugatang daliri nito. Marahas naman