"Sorry Hann.... hindi pala naihabol sa travel agency ang pangalan mo..." pagpapaliwanag ni Sevie. Ngumiti ako dito. "Okay lang Sev... baka sa susunod na out of town nio makakasama na ko di ba?" sagot ko dito. "Sure kang okay lang?" tanong uli nito. "Yup! Don't worry about me," sagot ko. "Sayang naman ang leave mo...." "Okay lang. Papasok na lang ako. Marami din naman akong gagawin. At least, hindi ako magkaka-back log." Kinabig ako nito at saka isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Francisco Bangoy International Airport, Davao City Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Pilit kong hinanap ang pangalan ko sa mga nakataas na papel sa aking harapan. Imposible namang wala pa yung sundo ko, eh isang oras na ngang na-delay ang biyahe ko.... Nang may biglang tumapik sa balikat ko. Agad a

