Dahan-dahan akong naglakad paatras. Hindi ko gusto ang nakikita ko. Coincidence lang ba na nandito si Minnie? Minabuti kong umalis na doon bago pa may makapansin sa akin sa team nila Sevie. Lumabas ako ng gym at saka naglakad-lakad. Nawala na ako sa mood. Nasira na ang araw ko. Ngayon ko lang naalala, ni hindi pa pala ako binabati ni Sevie sa araw na ito. Ngayon lang yata niya nalimutan ang birthday ko? Ako nga sana ang sosorpresa sa kanya ngayon pero ako pa ang nasorpresa! Tuloy-tuloy lang akong naglakad. Gusto kong mawala ang inis na nararamdaman ko ngayon. Hanggang may natanaw akong tila programa. Umabante pa ko at sumingit-singit sa kumpol ng mga tao hanggang sa mapunta ako sa bandang gitna. Mula doon ay ta

