Bago ako natulog kagabi, ipinagbilin ko sa reception na kung may hihingi ng room number ko ay huwag na huwag ibibigay. Baka kasi maisipan ni Sevie na itanong kung doon din ako naka-check-in. Ayaw ko na muna siyang makausap. Siya, si Minnie at si James. Actually, kanina pa ako gising. Nakakapagtakang masarap naman ang tulog ko. I felt betrayed... yes. Pero hindi ako ganoon ka-apektado. In fact, pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. Para akong nakapag-solve ng isang Algebra problem. Parang Chemistry problem lang na nagkaroon ng konklusyon. Nakatitig lang ako sa kisame. Nag-iisip kung ano bang gagawin ko ngayon. Gustuhin ko mang bumalik na ng Manila ay nanghihinayang naman ako sa ibabayad ko pag nagpa-rebook ako. Bukod sa magagastusan na ako ay masasayang din ang leave ko. Wala naman a

