Natapos ang tanghalian namin na kibuin-dili ako ni Adam. E ano naman kung ayaw niya akong kausapin! Hindi ako affected! Nandirito pa rin kami sa mesa. May pinag-uusapan sila Kuya, Tatay at Adam na features ng mga brand ng mga sasakyan. Wala naman ako mai-share kaya nakikinig na lang ako sa kanila. Nakakabilib na maraming alam si Adam sa mga sasakyan. Ang alam ko ay tungkol sa computer ang pinag-aralan nito at computers at computers parts ang business nito, base sa kuwento ni Clover dati. "Bunso, wala ka bang dalang panghimagas man lang?" biglang tanong ni Kuya Enzo. "Ay oo nga pala. Sandali," sabay abot ko sa paper bag, na ipinatong ko sa katabi kong upuan. Inilabas ko yung mga binili kong iba-ibang durian sweets. "Yan lang ang pasalubong mo, Botchok?" tanong ni Tatay, na sa akin na

