"What do you think you are wearing!?" gigil na tanong ni Adam. Nagulat naman ako sa sinabi nito. Napuwersa akong tingnan ito sa mata. Sa taas kong 5'8" ay mas mataas pa rin sa kin si Adam. Pero dahil sa naka-heels ako ay halos pantay na kami. Nginitian ko ito ng ubod tamis. "Anong problema mo? "tanong ko dito. "You," seryosong sabi nito. "Ako?" nakangiti ko pa ring sagot, sabay turo ko sa sarili ko. "Anong naisipan mo at nagsuot ka ng ganyan? Basketball game ito hindi party!" pagsusungit nito. Tiningnan ko ang suot ko. Pagkatapos ay tumingin uli ako sa kanya. "Simple lang naman itong suot ko ah!" Inilagay nito ang mga braso niya sa bewang niya. "Simple? E pasimple ka na ngang binobosohan ng mga lalaki dito sa gym!" nagtitimping sabi nito. Iginala ko ang tingin ko sa gym. Ang ba

