THIS IS IT

1257 Words

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Talagang si-net ko ito ng ala-una ng madaling araw. Halos wala pa nga akong tulog. Hindi din naman ako nakatulog ng maigi. Pagising-gising ako. Pinatay ko na ang alarm ng cellphone ko at saka kinakabahang nag-browse. Nanginginig ang kamay ko habang hinihintay ko ang paglo-loading ng website. Nang halos patapos na ang loading ay biglang may pumasok na text message dahilan para mawala ang atensiyon ko sa screen na bino-browse ko. From: 09155138884 Congrats, my Hera! I'm so proud of you! Hmm? Hera? Sinong Hera? Wrong send siguro. Istorbo naman... Dali-dali kong isinara yung message at saka bumalik sa browser. Tamang-tama naman na nag-open na yung site na binubuksan ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan ko! Alcantara, Hanna

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD