"Hi!" Nakita ko ang isang magandang babae na nakatayo sa harap ng mesa ko. Matangos ang ilong nito, nangungusap ang mga mata. May pagkamataray ng konti ang mukha. Pero sa pagkakangiti niya ngayon, mukhang kabaligtaran naman. Lumapit ito sa akin. "Hi! I'm Clover. We are in the same team. Ikaw Iyung bagong pasok I guess?' nakangiti pa ding sabi nito, at saka iniabot ang kamay sa akin. Inabot ko naman at saka ako nakipagkamay. "Yeah. I'm Hannah..." medyo nahihiya ko pang sagot. "Welcome to Castro, Cunanan and Company, Hannah!" masayang sabi nito. "Thank you, Mam Clover," sagot ko. "Hey!" biglang sabi nito. "Just call me Clover, okay? Nauna lang ako ng ilang months sa iyo dito..." natatawa nitong sabi. "Ah, ganun ba? Mukha kasing Senior ka na dito,” sabi ko sa kanya, habang matamang

