"Asan nga pala si Sevie?" tanong ni Amy pagkalagok ng tubig, at saka sumubo uli. "Hindi makakapunta eh," pilit kong pinanormal ang pagkakasabi ko. Kanina pa ako hindi mapakali sa presensiya ni Adam. Hindi ko alam kung bakit. Kanina pa ako nate-tense. Marahil ay sa dahilang hindi ko alam ang rason nito kung bakit sumama ito sa bahay namin. Pangalawa siguro ay alam kong mayamaya lang ay magtatanong na ang pamilya ko kung bakit nandito si Adam. Ramdam ko din ang panaka-nakang pagtingin sa akin ni Adam at ng pamilya ko. "Sayang naman... hindi tayo kumpleto..." sabi ni Becca. "Ang sabihin mo sikat na kasi sa PBA kaya mahirap nang abutin..." sabat ni Amy. "Oy, in fairness naman... ganun pa din naman si Sev. Wala namang nagbago sa kanya," pagtatanggol ko. Except kahapon... "Uyyyyyy... Sev

