"Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong ko kay Adam. "Babalik ka na ng Manila, right?" balik-tanong nito, sabay sulyap sa bag na dala ko. Tumango lang ako. "Tara na. Sabay na tayo," nakangiting sabi nito. Kita ko ang tila pang Close Up commercial niyang ngipin. Pantay-pantay at mapuputi ito. Mukha siyang fresh na fresh ngayon, at para bang ang sarap niyang yakapin. Hannah Erin! Marahan kong ipinilig ang aking ulo. Ano ba kasi 'yang iniisip mo Hannah? "Pano mo nalamang paalis na ko?" tanong ko uli dito. "Sige na ho, Mang Luis. Isasabay ko na si Hannah," sabi nito sa driver nila Clover. Tumingin naman sa kin si Mang Luis na tila kinukumpirma ang sinabi ni Adam. "Sige po. Para hindi na din kayo mapagod," tipid kong ngiti dito. TAHIMIK lang ako habang nasa biyahe. Samantalang

