Chapter 52 May mga nakasalubong kaming ilang estudyante na nagmamadaling tumakbo palayo rito. Bakas sa mga mukha nila ang takot. Sinubukan ko silang harangan at tanungin pero hindi nila kami pinapansin. Napakunot ako ng noo habang sinusundan sila ng tingin. Ano ba’ng meron? “Ano ba’ng nangyayari?” nagtatakang tanong ni King habang nagkakamot ng kanyang ulo. “Tutuloy pa ba tayo?” tanong naman ni Leny sa tabi ko. Nanatili kaming nakatingin sa harapan at pinakiramdaman ang paparating. “Buwisit! ’Yung Cyborg!” inis na sabi ni Hina. “Malalakas lang ang dapat na makalabas!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong lata. Papunta siya ngayon rito. Sa hitsura niya, parang nasisiraan na siya ng bait. Napalunok ako nang mapansin niya kami. Napatingin siya sa direksyon namin. Gumuhit