Chapter 53 Tumuloy na kami sa paglalakad para hanapin ang daan palabas. Ginamit ulit ni Vanna ang special skill niya pero gumawa kami ng strategy para hindi na siya masobrahan sa paggamit nito. Kinabisado naming lahat ang bawat direksyon na binanggit niya para alam ng kahit sino ang pupuntahan. Para na rin safe kung sakaling may hindi nakasunod at maligaw sa amin. ’Yun nga lang, mahihirapan pa rin kami dahil hindi namin alam kung saang parte ang may mga patibong dito. Dapat pa ring mag-ingat sa paglalakad at pagdikit kung saan-saan. “Medyo malapit na tayo,” rinig kong sabi ni Vanna. Bigla akong nabuhayan ng loob sa ibinalita niya. Tila nawala ang pagod ko at agad akong nagkaroon ng karagdagang lakas para magpatuloy. “Yown! Sa wakas!” natutuwang sabi ni King at tumalon-talon pa na par