Chapter 54 “Aray!” malakas na daing ko nang lumagapak ang likod sa sahig. Tila ba natanggalan na ako ng baga at masuka ng dugo dahil sa lakas na pagkakatama nito. Masyadong malala ang pagkabagsak ko. Hindi ko alam kung makatatayo pa ako sa ganitong sitwasyon. Halos hindi ko na rin maramdaman ang ibang parte ng katawan ko dahil sa nangyari. Napatitig ako sa taas habang mabilis na hinihingal. Mukhang masyadong malalim itong binagsakan namin. Iba sa butas kung saan ako tinulak ng taong lata kanina. Parang himala pa yatang may malay pa rin ako ngayon. “Buwisit,” mahinang mura ko dahil sa sobrang inis. Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang buong paligid. Magpapahinga muna ako sandali para makakuha ng lakas. Kailangan kong bumalik sa taas para kunin ang tatlo. Hindi dapat ako mag