Chapter 55 Pinakiramdaman ko ang buong katawan ko. Kakaiba ito. Hindi na ako nakararamdam ng anumang sakit mula sa mga pasa at sugat na natamo ko sa kanya. Parang hindi man lang ako nakaranas ng malalang pambubugbog kanina. Idinampi ko ang aking kamay sa ilalim ng nabasag kong ilong dahil sa ginawa niyang pananapak. Namuo lang sa ilalim ang dugo na tumulo pero hindi na masakit. Ito na ang special skill ko? Ang weird, pero ang angas. Kung ito lang, ang galing, kahit hindi ko ito maintindihan. Ang alam ko lang, saktong-sakto sa timing ang paglabas nito. Ibinalik ko ang atensyon sa taong lata. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Muntik pa siyang mapanganga pero pinigilan niya agad ito at nagsimula ulit na mag-focus. “Aba’t! Nagagawa mo pa talagang bumangon at tumayo sa